Inilunsad ng Las Piñas Local Government ang Auxiliary Feeding Program na bahagi ng mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan na magbigay ng kalinga sa mga residente sa lungsod.
Nagbigay naman ang mga nutritionist-dietitian ng maikling lecture hinggil sa Pinggang Pinoy at Nutrition Tips para sa Persons with Disability (PWDs).
Aabot sa 600 indibidwal partikular ang mga nakakatanda, mga bata, at may kapansanan ang nakatanggap ng arrozcaldo na may nilagang itlog.
Pinangunahan ni Las Piñas City Mayor Imelda Aguilar, Vice Mayor April Aguilar, at mga opisyal ng Las Pinas Nutrition Office ang nasabing aktibidad. | ulat ni Gab Villegas