Las Piñas, nagpapatuloy ang pamamahagi ng social pension payout para sa indigent senior citizens

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa muli ngayong linggo ang pamahalaang lungsod ng Las Piñas ng pamamahagi ng social pension cash-payout bilang pagsisikap na itaguyod ang kapakanan ng mga indigent senior citizen sa lungsod

Ayon kay Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar, sinisiguro nilang matatanggap ng mga senior citizen ang suportang nararapat sa kanila at mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagtugon sa kanilang mga pinansyal na pangangailangan.

Binigyang diin rin ng bise alkalde ang pangako ng lungsod na makapagbigay ng komprehensibong suporta at pag-aalaga sa mga nakakatanda at ang kahalagahan ng mga social pension program sa pagtiyak ng kanilang kapakanan. | ulat ni Gab Humilde Villegas

📷: Las Piñas LGU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us