Lava flow, na-monitor na ng PHIVOLCS sa Bulkang Mayon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ang lava flow activity o pag-agos ng mainit na lava mula sa crater summit ng Bulkang Mayon, ayon yan sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Batay sa 24-hour monitoring nito, aabot sa 21 volcanic earthquakes ang naitala sa bulkan.

Umakyat rin sa 260 ang rockfall events at mayroong tatlong pyroclastic density current events o pagdausdos ng magkahalong abo, mainit na bato, at volcanic gas sa Bulkang Mayon.

Bukod dito, patuloy ring nakikita ang banaag o crater glow sa bunganga ng bulkan.

Sa ngayon, nanatili sa ilalim ng Alert Level 3 (increased tendency towards a hazardous eruption) ang estado ng Bulkang Mayon kaya patuloy ipinagbabawal ang pagpasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us