Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong gawing lifetime ang validity ng PWD card.
Sa ilalim ng House bill 8440 ni Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan, mula sa kasalukuyang tatlong taong validity ay gagawing panghabambuhay na ang validity ng naturang card.
Sa paraang ito aniya ay mas mapapagaan ang buhay ng mga PWD dahil hindi na kailangan pang mag-renew kada tatlong taon.
Sakaling maisabatas, ang National Council on Disability Affairs ang maglalatag ng implementing rules and regulations sa pagpapatupad nito matapos ang konsultasyon kasama ang Department of Interior and Local Government, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at iba pang ahensya ng pamahalaan at stakeholders.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, binibigyan ng 20% discount sa gamot, ospital, diagnostic, laboratory, maging hotel, restaurants, entertainment centers; at domestic at sea travel ang PWD basta’t ipepresenta lamang ang PWD card.
Maliban pa ito sa 12% VAT exemption at 5% discount sa mga pangunahing bilihin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes