Limang drug suspect, nalambat nang nilansag ng mga awtoridada ang isang drug den sa Lanao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Limang drug suspect ang nalambat nang nilansag ng mga awtoridad ang isang drug den sa lalawigan ng Lanao del Sur.

Maliban sa iligal na mga droga, nasamsam din ng mga awtoridad mula sa naturang drug den ang mga armas, eksplosibo, mga bala, at mga drug paraphernalia.

Kinilala ng Area Police Command-Western Mindanao (APC-WM) ang mga nahuling suspek na sina Sadat Pangcoga, Abolkair Pangcoga, Michael Rambangon, Khalil Bangkero, at Saif Pangcoga.

Ang nasabing mga suspek ay nalambat sa anti-drug operation na nagresulta sa pagkalansag ng drug den sa Barangay Pagalamatan sa bayan ng Saguiran, Lanao del Sur.

Nasamsan mula sa drug den ang 65 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P422,000; isang caliber .38 revolver na may apat na bala; isang fragmentation grenade; isang 40-millimeter ammunition; buy-bust money; at mga illegal drug paraphernalia.

Ayon sa APC-WM, ang anti-drug operation ay inilunsad ng joint team ng pulisya, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at mga tropa ng 55th Infantry Battalion ng Philippine Army.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us