Nakabalik na sa normal ang biyahe ng mga pasahero ng Light Rail Transit o LRT Line 1 dakong alas-11:10 ng umaga.
Ayon kay Jackie Gorospe, Corporate Communications Head at Spokesperson ng Light Rail Manila Corporation o LRMC, ito’y matapos makakuha ng clearance mula sa kanilang mga engineer para ibalik ang operasyon nito
Iniulat pa ni Gorospe na batay sa isinagawang pagsusuri ay wala namang nakitang bitak sa kabuuan ng linya nito kaya’t minabuti nilang ibalik na muli ang biyahe.
Ang LRMC ang pribadong kumpaniyang nagpapatakbo sa operasyon ng LRT line 1 na tumatakbo mula Baclaran sa Parañaque patungong Roosevelt Station sa Quezon City at vice versa.
“Our team has already completed the safety inspection of LRT-1 facilities and tracks. No damage reported at the stations. As of 11:10am, we have resumed our full operations from Baclaran to Roosevelt. ” – LRMC Corporate Communications Head, Jackie Gorospe. | ulat ni Jaymark Dagala