LRT Line 2, magpapatupad ng libreng sakay sa Lunes bilang pakikiisa sa selebrasyon ng ika-125 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng Libreng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 sa mismong Araw ng Kalayaan sa darating na Lunes, June 12.

Ayon sa Light Rail Transit Authority, mag-uumpisa ang nasabing libreng sakay mula alas-siyete ng umaga hangang alas-nuebe ng umaga at magpaptuloy naman ng alas-singko ng hapon hangang alas-siyete ng gabi.

Samantala, aalis ang unang tren sa Recto Station at Antipolo Station ng 5:00 AM habang ang huling tren naman sa Antipolo Station ay aalis ng 9:00 PM at 9:30 PM sa Recto Statio.

Muli namang paalala ng LRT Line 2 sa publiko na may naitalang oras lamang ang naturang libreng sakay at hindi buong araw sa darating na Lunes. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us