Pinaalalahanan ni Land Transportation Office (LTO) Officer in Charge Hector Villacorta ang mga Law Enforcement Officer ng ahensya sa kanilang responsibilidad bilang tagapagpatupad ng batas.
Sa kaniyang ipinatawag na pulong, binigyang diin ng opisyal na huwag patukso o tatanggap ng anumang uri ng suhol mula sa kanilang mga mahuhuli.
Lagi umanong magbigay galang sa mga motorista habang ipinapatupad ang kanilang mga tungkulin.
Kasabay nito, sinuri rin ni Villacorta ang mga bagong isyung ‘body cameras’ ng law enforcers na kanilang gagamitin sa kanilang deployment.
Ito ay bahagi ng kampanya ng LTO laban sa korapsyon at upang matiyak ang ligtas na kalsada para sa lahat. | ulat ni Rey Ferrer