Mahigit 1,000 senior citizens mula sa 3 brgy. sa Parañaque, tumanggap na ng social pension

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 1,651 na mga nakatatanda o senior citizen sa tatlong barangay sa Parañaque City ang tumanggap na ng kanilang social pension.

Ito ay kasunod ng isinagawang payout para sa social pension ng mga senior citizen sa ikalawang distrito ng lungsod, partikular na sa Brgy. Marcelo Green, Brgy. San Martin De Porres at Brgy. Don Bosco.

Ayon kay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, bahagi ito ng kanilang programa na ipamahagi ang social pension sa lungsod para sa unang semestre ng kasalukuyang taon.

Hunyo 19 nang magsimula ang social pension payout sa unang distrito at natapos noong Hunyo 23, kaya’t sumunod na rito ang ikalawang distrito na magtatagal hanggang sa Hulyo 3.

Sa kabuuan, sinabi ni Olivarez na target nilang mabahaginan ng social pension ang kabuuang 13,555 senior citizens sa kanilang lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Parañaque PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us