Hindi bababa sa 2,000 bakanteng trabaho ang binuksan ng iba’t ibang kumpanya matapos silang makilahok sa Kalayaan para sa Trabaho Job Fair sa SM Sta Mesa.
Ang naturang job fair ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE), Quezon City Government at Public Employment Service Office (PESO).
Sabi ni Rysa Labrador, PESO Representative ng Quezon City, ang pagbibigay ng trabaho sa mga unemployed ang binigyan nila ng prayoridad ngayong ika-125 taon ng Kasarinlan ng bansa.
Ito ay upang mabigyan ng agarang trabaho ang mga newly graduate, at mga nawalan ng trabaho noong pandemya.
Mayroon namang hired on spot sa mga aplikante na umabot ng hanggang 300. | ulat ni Michael Rogas