Mahigit 2,000 senior citizens sa Parañaque City, tumanggap na ng social pension

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Parañaque City Mayor Eric Olivarez ang pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen o mga nakatatanda sa kanilang lungsod.

Isinagawa ang payout sa Old Brgy. San Dionisio Gymnasium ang unang araw ng payout sa Brgy. San Dionisio kung saan, aabot sa 2,164 na mga lolo at lola sa nasabing barangay ang nakatanggap.

Bahagi ito ng kabuuang 13,000 senior citizen sa lungsod na target makatanggap ng kanilang social pension.

Ayon kay Mayor Olivarez, malaking tulong ang payout na ito para sa social pension ng mga nakatatanda para maipantulong sa araw-araw nilang pangangailangan tulad ng pagkain at gamot.

Dumalo at nakiisa rin sina 1st District Representative Edwin L. Olivarez at Assistant OIC Evelyn Luching sa isinagawang programa. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Parañaque PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us