Aabot sa 40,000 mga mag-aaral ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang nabahaginan ng mga Anti-Dengue Kit.
Layunin ng proyekto na maiiwas ang mga mag-aaral sa banta ng dengue lalo’t naitatala ang pagtaas ng kaso nito tuwing panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, tinatayang nasa 47,212 na mga mag-aaral mula sa iba’t ibang pampublikong paaralan ang nakatanggap ng libreng anti-dengue kits.
Bawat dengue kits ay naglalaman ng mosquito repellent lotion, wrist band at citronella capsules. | ulat ni Jaymark Dagala