Umabot na sa mahigit 6,000 galon ng maiinom na tubig ang naipagkaloob sa tulong ng water filtration units ng Mertropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga apektadong komunidad ng nag-aalburutong Bulkang Mayon.
Ayon sa MMDA, 60 units ng solar water filtration system ang dala ng kanilang grupo sa Albay para mga lugar at evacuation centers na wala o kulang sa supply ng malinis na tubig.
Kabilang sa mga napagkalooban ng malinis na maiinom na tubig ay mga residente mula sa San Andres, Sitio Bical, at Salvacion.
Matatandaang noong Biyernes dumating sa Albay ang 20-man team ng MMDA na mula sa Public Safety Division ng ahensya.
Mananatili naman ang grupo sa probinsya ng 10 araw para maghatid ng tulong at first-aid kung kinakailangan.
Ang ginagawang relief efforts ng pamahalaan sa Albay ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. | ulat ni Diane Lear