Mahigit 83% ng baybaying apektado ng oil spill, nalinis na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nalinis na ang 83 porsyento ng mga baybayin na apektado ng oil spill na dulot ng paglubog ng MT Princess Empress sa karagatan ng Oriential Mindoro, Pebrero 28.

Batay ito sa iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpupulong ng National Task Force on Oil Spill Management ngayong araw, na 66 na kilometro na ang nalinis mula sa 79 na kilometro ng baybayin na apektado ng tumagas na langis.

Sa kabuuan ay nasa 10,700 sako, 997 drum, 119 na balde, at 648 one-tonner bags ng kontaminadong buhangin at debris ang nakolekta sa mga baybayin sa CALABARZON, MIMAROPA, at Region VI.

Samantala, nagpapatuloy ang “siphoning operations” ng langis sa karagatan sa pagsisimula ng operasyon ng Dynamic Support Vessel (DSV) “Fire Opal” sa Oriental Mindoro, nitong Mayo 30.

Ang naturang barko, ang hihigop ng langis mula sa karagatan at ililipat sa tanker para i-dispose. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us