Mahigit P48-M halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa Parañaque City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 3 drug suspek matapos ang ikinasa nilang drug buy-bust operations sa isang kilalang subdibisyon sa Parañaque City.

Kinilala ng PDEA ang mga naaresto na sina Normina Nandang Egoy gayundin ang magkapatid na Alfred at Alvino Ogali Egoy.

Nakuha sa mga suspek ang humigit kumulang 7.2 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 48,960,000.00.

Maliban dito, nakumpiska rin ng mga awtoridad ang iba’t ibang drug paraphernalia, 6 na cellphone, Php 500 buybust money at iba’t iba pang dokumento na ginagamit sa illegal drug trade.

Kasalukuyang hawak na ng mga tauhan ng PDEA ang mga suspek para isailalim sa documentation at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us