Tinupok ng apoy ang nasa 5 kabahayan kung saan apektado ang may 15 pamilya sa bahagi ng San Jose St., Brgy. Guadalupe Nuevo sa Makati City ngayong gabi.
Batay sa ulat ng Bureau of Fire Station – National Capital Region (BFP-NCR), nagsimula ang sunog dakong alas 7:14 kung saan agad itong itinaas sa ikatlong alarma dakong alas 7:31 ng gabi.
Ayon sa BFP, pawang gawa sa light materials ang mga naapektuhang kabahayan kaya’t madaling kumalat ang apoy.
Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na tinatayang aabot sa P5.1 milyon ang naiwang pinsala ng sunog bagaman patuloy pang inaalam ang sanhi nito.
Ganap namang naapula ang apoy dakong alas-9:55 ng gabi matapos ideklara na itong Fire Out ng mga pamatay sunog.| ulat ni Jaymark Dagala