Mahigit pisong taas sa presyo ng diesel at kerosene, kasado na bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aarangkada na ang panibagong yugto ng taas presyo sa mga produktong petrolyo bukas, Hunyo 27.

₱1.05 ang umento sa kada litro ng diesel habang maliit lang ang umento sa kada litro ng gasolina na nasa ₱0.20.

Epektibo, 6 am bukas, ipatutupad ng mga kumpaniyang Pilipinas Shell at SeaOil ang kanilang price adjustment habang 4:01 pm naman ang CleanFuel.

Samantala, magpapatupad din ng ₱1.20 umento sa kada litro ng kerosene ang mga kumpaniyang Shell at SeaOil.

Inaasahang magsusunuran na rin ang iba pang mga kumpaniya ng langis hinggil sa panibagong umento sa presyo ng mga produktong petrolyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us