Mainit na panahon, naitala sa Quezon City ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala sa Quezon City ang mainit na panahon ngayong araw.

Batay sa ulat ng PAGASA Science Garden AWS, naitala nito ang 32°C na temperatura at 62% na relative humidity kaninang bago magtanghali na may Heat Index o Init Factor na 38°C.

Kinokonsidera ito ng PAGASA bilang “extreme caution.”

Sa kabila ng mainit na panahon, may posibilidad pang makaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Sa weather forecast ng Weather Bureau ngayong hapon, ito ay bunga pa rin ng umiiral na habagat at localized thunderstorms.

Naapektuhan nito ang Northern Luzon kabilang ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Dahil dito, pinag-iingat ang publiko sa mga posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa panahon ng mga pag-ulan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us