Makati LGU, magsasagawa ng Lingkod Bayan Caravan sa July 1

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Makati ng Lingkod Bayan Caravan sa darating na Sabado, July 1 sa Barangay San Antonio.

Gagawin ang nasabing caravan sa San Antonio Community Complex sa Lumbayao corner Caong Street, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Magkakaloob ng libreng serbisyong medikal tulad ng libreng gamot, blood typing, ECG, FBS, medical checkup, at X-ray.

Magkakaroon rin ng late birth certificate registration at birth certificate authentication.

Maliban sa mga ito, maaaring mag-apply ang mga Makatizen ng kanilang Makatizen Card, Yellow Card, White Card, Blu Card, o Solo Parent ID upang makakuha ng mga benepisyo.

Marami ring serbisyo ang ipagkakaloob ng pamahalaang lungsod tulad ng pet vaccination at microchipping, legal aid, job fair, at marami pang iba. | ulat ni Gab Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us