Mambabatas, suportado ang DOF sa planong pagtataas ng buwis sa junk food at matatamis na inumin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sang-ayon si AnaKalusugan Partylist Rep. Ray Reyes sa plano ng Department of Finance na taasan ang buwis na ipinapataw sa junk food at matatamis na inumin.

Aniya, ito mismo ang layon ng kaniyang inihain na House Bill No. 7485.

Sa ilalim nito, gagawing ₱8.00 ang excise tax ng sweetened beverages na gumagamit ng caloric sweeteners, at purely non-caloric sweeteners, o halo ng dalawa.

Magiging ₱15 naman ang buwis per liter volume ang ipapataw sa mga inuming may purely high fructose corn syrup o kombinasyon ng caloric or non-caloric sweetener.

Kaya naman makakaasa aniya ang DOF na kaniyang susuportahan ang kanilang panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us