Mas agresibong kampanya laban sa mga tiwaling pulis, tiniyak ng IMEG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang kanilang kampanya laban sa mga tiwaling pulis, bilang pagsulong ng 5-focus agenda ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr.

Ito ang inihayag ni IMEG Director Police Brigadier General Warren De Leon kasunod ng pagkakahuli nitong Biyernes ng pitong pulis, kasama ang kanilang hepe, sa Angeles City, Pampnga dahil sa extortion o pangingikil.

Kinilala ang mga sangkot na pulis na sina Major Marvin Aquino na Station Police chief; Master Sergeant Romulo Meligrito, S/Sgts. Nikko Dave Marquez, Mark Steven Sison, at Corporals Richard Gozum, Diosdado Villamor Jr., at Jaypee Mangilit at ang kanilang civilian asset na si Esmael Arviola.

May kinulong kasi silang mga indibidwal na wala namang mga kaso at hinihingan pa ng pera.

Sinabi ni De Leon na maasahan ng mamamayang Pilipino ang IMEG na kakampi nila laban sa mga tiwaling pulis.

Kasunod nito, hinikayat ni De Leon ang publiko na magsumbong sa IMEG kung may nalalaman sa iligal na gawain ng mga pulis para ito ay kanilang maaksyonan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us