Masikip na daloy ng mga sasakyan sa ilang kalsada sa QC asahan, dahil sa isasagawang Pride PH Festival

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan sa ilang kalsada sa Quezon City dahil sa isasagawang Pride PH Festival March, bukas.

Batay sa abiso, magsisimula ang simultaneous march ng 3 PM sa North Avenue Gate ng Quezon Memorial Circle.

Kabilang sa maaapektuhang kalsada ang East Avenue, V. Luna Avenue, Kalayaan Avenue, at Elliptical Road.

Ide-deploy naman ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang mga tauhan ng Transport Management Department at Department of Public Order and Safety, upang maging maayos ang daloy ng mga sasakyan.

Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Humingi naman ng pang-unawa ang QC LGU sa mga motorista na maaabala ng nasabing aktibidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us