Mercury-free na pagmimina ng ginto, itinutulak sa small-scale miners

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Planetgold Philippines ang mas ligtas na pagmimina ng ginto partikular sa small scale miners o maliliit na mga minero sa bansa.

Sa isang kapihan forum, ipinunto ni Abigail Ocate, National Project Manager ng Planetgold Philippines, ang pangangailangan na mabawasan na ang paggamit ng mercury sa mga small-scale gold mining dahil lubha itong mapanganib, hindi lang sa kalusugan ng minero, kung hindi sa buong komunidad.

Bahagi ng adbokasiya ng grupo ang pagsusulong ng responsableng artisano sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga maliliit na komunidad na parte ng mining sector.

Dito sa Pilipinas, kabilang sa tinututukan nito ang Sagada at Paracale, Camarines Norte kung saan ipinakikilala nito ang paggamit ng Mercury-free Processing System (MFPS).

Ayon kay Engr. Louie Bedes, ang MFPS ay mas ligtas at sustainable na alternatibo na maaaring magamit ng mga minero.

Pinondohan ito ng higit P29 milyon at nakatakdang i-turn over sa mga minero sa lugar sa susunod na taon.

Suportado ng Global Environment Facility ang Planetgold Philippines kung saan katuwang rin ang Artisanal Gold Council. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us