Mga aplikanteng nagpunta sa Mega Job Fair sa Pasay City, umabot na sa higit 1,000

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 1,000 aplikante ang nagpunta sa isinasagawang Mega Job fair ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay sa Music Hall ng SM Mall of Asia.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto, nasa 3,500 job vacancies mula sa higit 50 kumpanya ang ini-aalok sa nasabing job fair.

Karamihan sa mga aplikanteng nagpunta sa Mega Job Fair ay graduating students mula sa City University of Pasay.

Kabilang sa mga lumahok na ahensya ng pamahalaan na nag-aalok ng trabaho ay ang AFP Nurse Corps na nangangailangan ng 70 registered nurse.

Ang mga aplikante ay kinakailangan may edad na 21-28 taong gulang, hindi bababa sa limang talampakan ang height, normal ang body mass index, single at wala pang anak upang maging kwalipikado sa nasabing posisyon.

Maaari pang humabol ang mga aplikante sa Mega Job Fair sa SM Mall of Asia na magtatagal hanggang alas-4 ngayong hapon. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us