Mga biktima ng harassment mula sa online lending companies, dumulog sa Kampo Crame

Facebook
Twitter
LinkedIn

Dumulog na sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame ang may 50 indibidwal na biktima ng harassment mula sa mga online lending company.

Ayon kay Gemma Sotto ng United Filipino Global, tumatagal aniya at lalong lumalala ang problema ng mga biktima dahil sa ginagawang panggigipit sa kanila.

Karamihan kasi sa mga ito ay pawang mga overseas Filipino worker na nagtatrabho sa iba’t ibang bansa, na tanging sa online lending app umaasa sa tuwing sila ay nagigipit sa gastusin.

Tulad na lang ng nag-viral sa social media kamakailan, ilan din sa mga dumulog kanina ay nakaranas ding puntahan ng mga tauhan ng punerarya.

Ayon naman kay Police Colonel Armel Gongona, Deputy Director for Administration ng PNP-ACG, patuloy ang ginagawa nilang case build up laban sa mga inirereklamo na mga online lending company.

Kaugnay naman nito, sinabi sa Radyo Pilipinas ni PNP Anti Cybercrime Group Spokesperson, Police Capain. Michelle Sabino, na bukod sa kanila ay maaari ring magsumbong ang mga biktima ng harassment sa Securities and Exchange Commission (SEC).

May batas aniyang nagsasaad na anumang uri ng panggigipit na may kinalaman sa pangungutang ay maaaring maparusahan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us