Matatanggap na ngayong linggo ng mga empleyado ng Department of Agrarian Reform ang kanilang performance-based bonus.
Inanunsyo ito ni DAR Secretary Conrado Estrella III, bilang pasasalamat sa lahat ng empleyado na nagsumikap lalo na sa kasagsagan ng pandemya noong 2021.
Ang performance-based bonus ay isang insentibo na ibinibigay upang gantimpalaan ang mga empleyado ng pamahalaan para sa mabuting pamamahala at karapat-
dapat na pagganap ng isang ahensya ng gobyerno.
Siyamnapu’t dalawang porsyento (92%) ng 8,462 empleyado ng DAR ang tatanggap ng bonus .
Abot sa Php141.31 milyong pondo ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) para dito.
Ang kaloob na bonus ay nakabatay sa Executive Order No. 80, series of 2012 na naglalayong kilalanin at gantimpalaan ang mga ahensya at empleyado para sa huwarang pagganap sa gobyerno. | ulat ni Rey Ferrer