Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay ang mga jail inmate sa Malabon City Jail sa Barangay Catmon.
Nag-viral na rin sa social media ang sabay-sabay na pag-iingay ng mga inmate.
Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Jayrex Bustinera, ang mga detainee ay nagpo-protesta sa pamamalakad ng jail warden sa naturang jail facility.
Sa ngayon, nagpadala na ng mga police personnel sa paligid ng Malabon City Jail para sa anumang maaaring idulot ng ginagawang pag-iingay ng mga inmate. | ulat ni Diane Lear