Mga mamimili sa ADC Kadiwa store, ikinatuwa na magtatagal pa ang bentahan ng murang bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Good news para sa mga mamimili sa ADC Kadiwa store ang kumpirmasyon mula sa distributor ng murang bigas na tatagal pa hanggang Agosto ang kanilang suplay na maaaring ibenta sa publiko.

Ngayong umaga, mahaba na naman ang pila ng mga mamimili sa ADC Kadiwa store.

Isa sa maagang pumila rito si Aling Annalyn na sinabing malaking bagay para sa kanilang mahihirap na magiging available pa hanggang Agosto ang bentahan ng ₱25 kada kilong bigas.

Nangangahulugan aniya itong mas marami pa ang makikinabang at makakatikim ng murang bigas.

Si Nanay Rose Talastas, na 96-na taong gulang, ay nagpalipas na ng magdamag para lang makasigurong mauuna sa pila.  First time daw kasi niya kaya ayaw palampasin ang pagkakataon na makabili ng murang bigas.

First time ding pumila ni Mang Marionito na inagahan rin para makaiskor ng bigas na sakto na pang-tatlong araw sa kanyang pamilya.

Wala pang alas-6 kaninang umaga, umabot na sa higit 50 ang nakapila sa ADC Kadiwa store.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us