Iniulat ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na 7,000 mula sa 11,000 miyembro ng Moro Islamic Liberaton Front (MILF) at Moro National Liberaton Front (MNLF) ang nakapasa sa special qualifying exam para maging miyembro ng PNP.
Pero nilinaw ni Fajardo na sasalain pa ang mga ito bago tanggapin bilang mga pulis.
Sa 7,000 aniyang nakapasa, isang libo ang binigyan ng endorsement ng Bangsamoro Government, kung saan 700 ang mula sa hanay ng MILF at 300 naman sa MNLF.
Sinabi ni Fajardo, mula sa naturang bilang ay 400 lang ang kukunin ng PNP para punan ang kanilang quota.
Matatandan na ang pagpasok ng MILF at MNLF sa PNP ay itinatakda ng Republic Act 11054 o Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao matapos ang paglagda sa peace agreement. | ulat ni Leo Sarne