Mga na-displace dahil sa bakbakan sa Sulu, mahigit 6,000 na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 1,174 na pamilya o 6,455 na indibidwal na ang nagsilikas dahil sa bakbakan na naganap nitong Sabado sa Maimbung, Sulu sa pagitan ng armadong grupo ni dating Vice Mayor Pando Mudjasan at mga tropa ng PNP at AFP na nagtangkang magsibli ng arrest at search warrant.

Sa ulat na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Brig. Gen. Red Maranan, ang mga apektado ay mula sa Brgy. Bualo Lipid kung saan naganap ang bakbakan, at mga katabing barangay ng Laum Maimbung, at Barangay Poblacion.

Ang mga apektadong residente ay inilikas ng LGU sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa tatlong evacuation Center sa Matatal Covered Court, Matatal Elementary School at Mawaji Elementary School.

Pinayuhan ni Brig. General Maranan ang mga bakwit na ‘wag munang bumalik dahil sa posibilidad na magkaroon ng panibagong bakbakan sa patuloy na pagtugis ng PNP at AFP sa grupo ni Mudjasan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us