Mga na-stranded na pasahero sa Batanes, tinulungan ng Philippine Air Force

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naihatid ng Philippine Air Force pabalik ng Maynila ang may 86 na pasaherong na-stranded sa Batanes.

Sila ang mga turista at mga lokal na na-stranded bunsod ng mga kanselasyon ng biyahe ng mga airline sa Basco at kinakailangang bumalik sa Metro Manila para sa kanilang trabaho o pag-aaral.

Isinakay ang mga ito sa dalawang C-295 aircraft kung saan, ang isa rito ay ang sinasakyan ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff, Gen. Andres Centino na nagsagawa ng official visit sa Northern Luzon Command.

Ayon sa Air Force, dahil sa wala nang masakyan ang mga na-stranded na pasahero at kinakailangan pang maghintay ng abiso mula sa mga airline kaya’t isinabay na nila ito bilang bahagi ng kanilang Humanitarian Transport Mission.

Dahil sa ginawang ito ng Air Force, nakapiling na ng mga na-stranded na pasahero ang kanilang mga kamag-anakan sa Maynila kaya’t makapagpapatuloy na rin sila sa kani-kanilang pakay. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: PAF

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us