Mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Betty, patuloy na nadaragdagan — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Betty, ayon ‘yan sa DSWD.

Sa pinakahuling tala ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of June 1 ay aabot na sa higit 6,000 pamilya o katumbas ng 22,548 na indibidwal ang apektado ng nagdaang bagyo sa anim na rehiyon sa bansa.

Umakyat rin sa 287 pamilya o 933 indibidwal ang nananatili pa rin sa evacuation centers habang nasa higit 500 indibidwal din ang pansamantalang lumikas sa mga kaanak.

Tuloy-tuloy naman ang paghahatid ng ayuda ng DSWD sa mga apektadong LGU kabilang ang pamamahagi ng family food packs.

Katunayan, mayroon nang higit sa P400,000 humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya.

Bukod dito, nananatili ring nakahanda ang nasa P1.8 bilyong halaga ng stockpiles at standby funds para sa mga apektado ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📷: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us