Mga Pilipinong beterano ng Korean War, binigyang parangal at pagkilala

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa ginunita ng Pilipinas at Korea ang ika-75 anibersaryo ng pakikiisa ng mga Pilipinong sundalo sa Korean War.

Pinangunahan ni Korean Ambassador to the Philippines-designate Lee Sang-hwa ang pag-aalay ng bulaklak sa Korean War Memorial Pylon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Kasama ni Ambassador-designate Lee ang mga opisyal ng Philippine Army sa pangunguna ni Headquarterrs Support Group Commander, Brigadier General Moises Nayve Jr.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Ambassador-designate Lee na kinikilala ng Korea ang naging ambag ng mga Pilipinong Sundalo sa Korean War noong dekada 50.

Ginawaran nito ng medalya ang 13 beterano ng Korean War bilang pagbibigay galang sa kanilang pakikiisa sa iisang causa na ipaglaban ang kanilang kalayaan mula sa panankop ng Komunistang North Korea.

Kasunod niyan, aabot sa 240 descendants ng mga beterano ng Korean War ang makatatanggap din ng High School at College scholarships para sa taong ito bilang pagkilala ng Korean Government. | ulat ni Jaymark Dagala

📸: Philippine Army

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us