Kinokonsidera pa rin ng Commission on Elections (COMELEC) na malaking problema ang vote buying dito sa bansa.
Nauna rito, inamin ni Commissioner Ernesto Maceda Jr. na isang maaaring dahilan nito ay ang hindi updated na polisiyang legal para sa eleksyon.
Inihalimbawa ni Maceda ang umano’y paggamit sa mga online platforms tulad ng GCash bilang daan ng mga iilang pulitiko upang mabili ang boto ng publiko.
Aniya, mayroon nang koordinasyon hinggil dito ang COMELEC sa Department of Information and Communication Technology (DICT) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) upang makagawa ng mga polisiya upang mahuli ang mga ito.
Tiniyak naman ni Maceda na ginagawa ng komisyon ang lahat ng kanilang makakaya upang sugpuin ang vote buying dito sa bansa. | ulat ni David Pitpitan | RP1 Laoag