Mga suspek sa pamamaril sa isang mamamahayag sa QC, nakasakay ng kotse, motor

Facebook
Twitter
LinkedIn

May pagkakakilanlan na ang Quezon City Police District (QCPD) sa mga suspek na bumaril sa isang mamamahayag sa Barangay Masambong.

Ayon kay Police Brigadier General Nicolas Torre, patuloy ang kanilang ginagawang imbestigasyon at nagsasagawa sila ngayong ng pagba-backtrack sa mga CCTV footage.

Ani Torre, naplakahan na ang mga suspek na sakay ng isang kotse at motor. May pagkakakilanlan na rin aniya ang pulisya sa mga ito.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nasugatan ang apat sa pitong sakay ng SUV na pinagbabaril, kabilang dito si Joshua Abiad ng Remate Online at dalawang menor de edad.

Kasalukuyan namang dinala ang mga biktima sa ospital.

Tiniyak naman ni Police Brigadier General Torre na patuloy ang kanilang imbestigasyon upang tuluyan nang mahuli ang salarin sa insidente ng pamamaril. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us