MIAA, hiniling sa Pasay LGU na payagan silang akuin ang pagtitiyak ng seguridad sa inabandonang Philippine Village Hotel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa Pamahalaang Lungsod ng Pasay na payagan silang i-take over ang pagpapanatili ng seguridad ng inabandonang Philippine Village Hotel.

Sa liham na ipinadala ni MIAA Officer-In-Charge Brian Co kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, nababahala sila sa seguridad ng inabandonang gusali ng Philippine Village Hotel dahil maaaring makompromiso ang seguridad ng mga nakapaligid dito.

Pangamba ni Co, maaari kasing pasukin, sirain at gawan ng ibang aktibidad na may kinalaman sa krimen o terorismo ang loob ng naturang istraktura.

Ang Philippine Village Hotel ay katabi lamang ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 at malapit din sa lumang Nayong Pilipino.

Giit ni Co sa Pasay LGU, mainam na mapangalagaan nila ang seguridad ng naturang lugar dahil maaari nitong malagay sa peligro ang operasyon hindi lamang ng MIAA kung hindi maging ng 250th Presidential Airlift Wing.

Magugunitang Nobyembre 2021 nang sumiklab ang isang sunog sa basement ng gusali, kung saan pinagbawalan ang MIAA na tumulong sa pag-apula ng anila’y malinaw na paglabag sa Fire Code of the Philippines. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us