MMDA, hiniling na PNP-HPG ang magmando sa mga lalabag na motorista sa EDSA Busway

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hiniling ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na sana ay Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang magmando ng panghuhuli ng mga motoristang lalabag sa batas-trapiko sa EDSA Busway.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na ililipat na sa Bus Management and Dispatch System ng MMDA ang monitoring ng EDSA Busway.

Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Romando Artes, ito ang kanilang hiniling sa inisyal na pulong nila sa DOTr.

Ani Artes, nais nila na HPG ang maging in-charge at magiging force multiplier lang sila.

Samantala, umabot na mahigit sa 300 violators ang nahuli ng MMDA sa 10 araw na pagbabantay nila sa EDSA Busway.

Binigyang diin naman ni Artes na mga bus, emergency vehicles, government vehicles na may red plate lang ang pinapayagang dumaan sa EDSA Busway. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us