Nagsagawa ng roundtable discussion ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Ito ay para sa bubuuing 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan.
Ayon sa MMDA, layon nitong pag-isahin ang mga polisiya, istratehiya, at programang may kinalaman sa flooding at drainage improvement works.
Kabilang sa mga tinalakay ang pagkakaroon ng integrated drainage system upang tiyakin na patuloy ang water flow sa mga daluyan ng tubig, mabawasan ng insidente ng mga pagbaha, at mapabilis ang paghupa ng mga ito kung sakali man na magkaroon ng mga pagbaha
Ang 50-Year Metro Manila Drainage Master Plan ay bahagi ng inisyatiba sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project kung saan bahagi ang MMDA. | ulat ni Diane Lear
: MMDA