Pinapurihan ng Commission on Audit (COA) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa maayos na pagsasagawa ng kanilang liquidations ng kanilang mga financial statements sa ikaapat na sunod na taon.
Ayon kay Supervising Auditor Reynaldo Darang, ito ay ang lumabas sa masusing COA’s ‘Independent Auditor’s Report’ ng MMDA para sa fiscal year 2022 na isa ang naturang tanggapan sa may pinakamaayos na Audit Report noong nakaraang taon at ito na aniya ang unqualified opinion at ang fair presentation ng kagawaran sa ikaapat na sunod na taon.
Ayon naman kay MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, ito’y pagpapakita na transparent ang MMDA sa pagpapakita ng kanilang maayos na pag-aaloka at paggasta ng kanilang pondo.
Samantala, nagpapasalamat naman si Artes sa bawat kawani ng MMDA sa maayos na pagsasagawa ng Audit Report sa mga proyektong isinasagawa nito na mapapakinabangan ng publiko. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio