Inilunsad kahapon ng Naval Forces Norther Luzon (NFNL) ang kanilang apat na araw na Mobilization Exercise o MOBEX 2023, sa Naval Base Camilo Osias, Santa Ana, Cagayan.
Layon ng ehersisyo na mahasa ang kapabilidad ng Naval Reserve Force, bilang paghahanda sa anumang kaganapan na mangangailangan ng mabilisang mobilisasyon ng mga pwersa.
Ang pagsasanay ay nakatuon sa scenario ng isang malakas na “undersea quake” na tumama sa lalawigan ng Cagayan, na nakapinsala sa libo-libong mga residente.
Dito’y nasubukan hindi lang ang kakayahan ng mga tropa sa Humantiarian and Disaster Relief Operations, kundi maging sa pagkontra sa “lawlessness” sa panahon ng sakuna.
Ang unang bahagi ng ehersisyo ay ang pre-mobilization stage na kinabibilangan ng pagtatatag ng “responsive organizational structures,” mahusay na administrasyon, “sustainable logistics,” at naangkop na pagsasanay.
Kasama na dito ang pag-ayos ng integration ng mga Navy at Marine Reservists sa mga regular na tropa. | ulat ni Leo Sarne
📸: NFNL