Motorcycle accidents sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa QC, bahagyang bumaba — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bahagyang bumaba ang bilang ng naaaksidente na motorsiklo sa Commonwealth Avenue simula noong nagkaroon na ng maayos na motorcycle lane ang naturang kalsada.

Batay sa tala ng MMDA, simula noong nailatag na ang motorcycle lane sa Commonwealth Avenue ay nabawasan na ng nasa 100 motorcycle accidents sa naturang kalsada hanggang nitong buwan ng Abril.

Ayon naman kay MMDA Chairperson Atty. Romando Artes na magandang indikasyon ito dahil sa maayos na linya ng motorsiklo sa Commonwealth ay mababawasan ang mga aksidente sa motorsiklo.

Muli namang nagpaalala si Artes sa publiko na palagiang mag-ingat ang motorcycle riders sa kanilng pagmo-motor upang hindi na mauwi sa anumang aksidente o disgrasya. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us