Muntinlupa LGU, nagpasa ng ordinansa vs. gender-based sexual harassment

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang ordinansang magpapatupad sa mga mahahalagang probisyon ng Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act.

Layon ng City Ordinance No. 2023-077 o ang Respeto sa Kapwa Muntinlupeño Ordinance na maglatag ng mga hakbang upang pigilan ang pagkakaroon ng gender-based sexual harassment sa lungsod.

Para sa alkalde, nais nitong matiyak na ligtas mula sa harassment ang mga mamamayan at nanawagan ng pagkakaisa na masigurong maging safe space para sa lahat ang lungsod ng Muntinlupa.

Hinihikayat naman ng Gender and Development o GAD Focal Point System Chairperson ng lungsod na si Gng. Trina Biazon ang mga mamamayan na suportahan ang laban ng lungsod sa lahat ng uri ng karahasan at isulong ang gender equality para sa lahat.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us