Patuloy ang paghahatid ng tulong ng pamahalan sa mga apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa ₱91.8-million na halaga ng tulong ang naipaabot ng pamahalaan.
Galing ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Office of Civil Defense (OCD), at non-government organizations (NGOs).
Kasama sa mga tulong na ibinigay ay mga family food packs, tubig, hygiene kits, at sleeping kits.
Samantala, nagkaloob din ang gobyerno ng cash at financial assistance sa ilang mga residente.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 3 ang status ng Bulkang Mayon. | ulat ni Leo Sarne