Nasa ₱50-M halaga ng frozen meat, nasabat ng DA sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi pa rin ng pinaigting na kampanya kontra agri smuggling, aabot sa ₱50-milyong halaga ng frozen meat ang nasamsam ng Department of Agriculture Office of the Assistant Secretary for Inspectorate and Enforcement (DA IE) sa ikinasang raid sa isang storage facility sa Sta. Cruz, Maynila.

Isinagawa ang operasyon noong June 20 sa GGF Frozen Sushi Merchandise sa San Fernando St., Sta Cruz, kung saan aabot sa 20 metriko tonelada ng frozen meat gaya ng baboy ang nakumpiska.

Naaresto naman ang isang chinese national at lima pang suspek na naabutan sa naturang pasilidad. Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 2013 at Republic Act No. 10845 o Anti-Agricultural Smuggling Act ng 2016.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary James Layug, ipinasara na ang storage facility at pananagutin ang mga may-ari nito dahil sa pagbebenta ng smuggled agri-fishery commodities.

Katuwang ng DA sa operasyon ang Philippine Coast Guard (PCG), National Capital Region Police Office (NCRPO), at Bureau of Customs (BOC). | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us