National Simultaneous Earthquake Drill sa Lungsod ng Mandaluyong, nagpapatuloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang Simultaneous Earthquake Drill ngayong umaga dito sa Greenfield District sa lungsod ng Mandaluyong.

Kung saan makikita mo ang samu’t saring simulations mula sa iba-ibang emergency response ng Bureau of Fire Protection, NDRRMC, Office of Civil Defense, DOST at ng DILG sa pagdating ng tinatawag na “The Big One”.

Kabilang sa simulation ang pag-rescue sa gumuhong gusali na pinangunahan ng Philippine National Police katuwang ang Bureau of Fire Protiection at ang paglalagay ng central incident post command kung papaano ang kanilang gagawin sa panahon ng “The Big One”.

Nagsagawa rin ng fire simulation exercise dahil isa ang naturang sakuna sa panahon ng lindol.

Ipinakita rin sa naturang simulation kung paano ang medical response ng NDRRMC sa mga casualty kapag nagkaroon ng malawakang lindol sa Kalakhang Maynila. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us