Nag-deploy ang Naval Forces Southern Luzon (NFSL) ng mga Search Rescue and Retrieval Teams (SRRTs) para tumulong sa paglilikas ng mga residente sa Albay na apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Nakatulong ang mga ito sa paglilikas ng 3,878 pamilya mula sa 21 apektadong barangay sa Albay patungo sa 22 relocation center, kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Nagpapatuloy ang pakikipagtulungan ng NFSL sa mga Local Governments Units (LGUs) at volunteers mula sa Non-Government Organizations (NGOs) para transportasyon ng mga residente at kanilang mga kagamitan.
Tiniyak pa ng NFSL na available ang lahat ng kanilang “sea assets” kung sakaling kakailanganin na i-transport sa pamamgitan ng karagatan ang mga evacuees at relief supplies. | ulat ni Leo Sarne
![](https://radyopilipinas.ph/wp-content/uploads/2023/06/fotor_1686711308883-1024x768.jpg)