NBI, pinakilos ni Justice Secretary Remulla na magsagawa ng ‘parallel investigation’ sa Bunduquin slay case

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng parallel investigation sa kaso ng pagpaslang sa local radio broadcaster na si Cresenciano ‘Cris’ Aldivino Bunduquin.

Kasunod ito ng “close door meeting” nina Secretary Remulla at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Paul M. Gutierrez.

Ayon kay Gutierrez, layon ng parallel probe na mapabilis ang pagresolba sa kaso, matukoy ang iba pang personalidad sa Mindoro na sangkot sa pagpaslang kay Bunduquin at maiwasan ang posibleng ‘whitewash’ sa kaso.

Bagaman nasa ilalim ng Office of the President, si Gutierrez ay direktang nagre-report kay Secretary Remulla at Presidential Communications Office (PCO) Secretary Atty. Cheloy Garafil, na co-chairs ng PTFoMS.

Unang inanunsyo ng PTFoMS na bukod sa gunman na si Isabelo Lopez Bautista, residente ng Bansud, may nakalap na impormasyon ang task force na may 3 personalidad sa Mindoro na isinasangkot sa pagpaslang kay Bunduquin.

Kinabibilangan ito ng isang police major na naka-assign sa PRO4-B (Mimaropa) Police Office; isang provincial official na miyembro ng prominenteng political clan sa Mindoro at ang isa ay matagal nang ‘big time’ operator ng perya na konektado sa mga lokal na opisyal at sa police major. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us