NCRPO, kinondena ang pamamaril sa isang mamamahayag at kanyang pamilya sa QC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinokondena ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nangyaring pamamaril sa isang photojournalist at pamilya nito sa Barangay Masambong sa Quezon City.

Ang pahayag ay inilabas matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga suspek ang photojournalist ng pahayagang Remate na si Joshua Abiad at tatlong kaanak nito sa harap ng kanilang bahay.

Sa pahayag na inilabas ni NCRPO Regional Director Police Major General Edgar Alan Okubo, ang nasabing pamamaril ay hindi lamang pag-atake sa isang indibidwal, kundi pati na rin sa kalayaan sa pamamahayag.

Sinabi rin ng Okubo na walang tigil ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang mga salarin at makamit ang hustiya.

Nanawagan rin ito sa publiko na manatiling mapagbantay at iulat sa kanila ang anumang impormasyon na makakatulong sa kanilang imbestigasyon.

Nauna na ring kinondena ng NCRPO Press Club ang insidente. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us