NCRPO, puspusan na ang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng ‘gun ban’ gayundin ng “No Fly Zone” at “No Drone Zone” sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Hulyo 24.

Ito ang ipinaalala ng National Capital Region Police Office o NCRPO na naglalayong masiguro ang ligtas, mapayapa at maayos na pag-uulat sa bayan ng pangulo.

Ayon kay NCRPO Director, P/MGen. Edgar Alan Okubo, mula sa kabuuang 22, 081 na mga pulis na ipakakalat para magtiyak ng seguridad sa ikalawang SONA ng Pangulo, daragdagan pa ito ng 824 na mga pulis.

17,929 sa mga ito ay magmumula sa NCRPO; nasa 4,476 naman ang magmumula sa iba pang law enforcement agencies tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Bureau of Jail Management and Penology

Mayroon ding nasa 500 tauhan mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan ang magsisilbing force multipliers sa naturang okasyon.

Kaugnay nito, magsasagawa din ng mga simulation at communication exercises ang NCRPO upang makapaglatag ng contingency measures para sa ibat ibang uri ng insidenteng maaaring mangyari. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us