NEDA, binigyang pagkilala ang kontribusyon ng DAP sa pagpapaunlad ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala ng National Economic and Development Authority o NEDA ang mga kontribyusyon ng Development Academy of the Philippines sa pagpapaunlad ng bansa.

Sa Ika-50 anibersaryo ng Development Academy of the Philippines, sinabi ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na napakahalaga ng gampanin ng DAP sa pagpapaunlad ng bansa dahil sa kanilang direksyon at programa partikular sa Philippine Development mula taong 2023 hanggang 2028.

Kaugnay nito, hinikayat ni Sec. Balisacan ang bawat kawani ng DAP na ipagpatuloy ang kanilang adhikain na makapagsilbi sa taumbayan at makapaghatid ng kaginhawaan sa pamumuhay ng bawat Pilipino.

Sa huli, sinabi ng kalihim na makakaasa ang DAP sa suporta ng NEDA upang magkaisa para sa ika-uunlad ng bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us